Huling na-update:  17 Agosto 2020

 

Paano naipapasa ang COVID-19

Pangunahing naipapasa ang COVID-19 ng tao sa tao. Ang pagpigil sa pagkalat ng COVID-19 ay responsibilidad ng bawat isa.

Protektahan ang iyong sarili at ang iba, ugaliing sundan ang 5 simpleng pagiingat:

  • Linisin ng madalas ang mga kamay
  • Umubo at bumahing sa loob ng iyong siko - huwag sa kamay!
  • Iwasan ang paghawak sa mata, ilong at bibig
  • Iwasan ang pakikisalamuha sa taong may sakit
  • Linisan at i-disinfect ang mga bagay na laging hinahawakan

 

Infographics

Ang COVID-19 ay naipapasa ng tao sa tao

Tuwing bumabahing o umuubo ang taong may sakit, maaring tummalsik ang droplet sa bibig o ilong ng ibang taong malapit sa kanya. Naipapasa din ito sa malapit na pakikisalamuha sa taong may sakit, gaya ng pagyakap o pakipagkamay.

 

Pangunahing naipapasa ang COVID-19 ng tao sa tao. Ngunit maaari rin itong maiwan sa mga bagay.

Maari mong protektahan ang iyong sarili: linisin ng madalas ang iyong kamay at ang iyong kapaligiran!

 

Ang pagpigil sa pagkalat ng COVID-19 ay responsibilidad natin

Protektahan ang iyong sarili at ang iba: ugaliing sundan ang 5 simpleng pagiingat.